|
||||
80. �O pagsintang labis ng kapangyarihan Sampung mag-aama�y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, Hahamaking lahat masunod ka lamang. 81. �At yuyurakan na ang lalong dakila, bait, katwira�y ipanganganyaya, buong katungkuha�y wawaling-bahala, sampu ng hininga�y ipauubaya. 82. �Itong kinaratnan ng palad kong linsil, Salaaming malinaw na sukat mahalin Ng makatatap, nang hindi sapitin Ang kahirapan kong di makayang bathin.� 83. Sa mawika ito luha�y pinaagos, Pika�y isinaksak saka naghimutok, Nagkataon namang parang isinagot Ang bunting-hininga niyong nagagapos. 84. Gerero�y namangha nang ito�y marinig Pinagbaling-baling sa gubat ang titig, Nang walang makita�y hinintay umulit Di naman nalao�t nagbagong humibik. 85. Ang bayaning Moro�y lalo nang namaang: �sinong nananaghoy sa ganitong ilang?� Lumapit sa dakong pinanggalingan Ng bunting-hininga�t pinakimatyagan. 86. Inabutan niya ang ganitong hibik: �ay mapagkandiling amang iniibig! Bakit ang buhay mo�y naunang napatid, Ako�y inulila sa gitna ng sakit? 87. �Kung sa gunita ko�y pagkuru-kuruin, Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, Parang nakikita ang iyong narrating, Parusang marahas na kalagimlagim. 88. �At alin ang hirap na di ikakapit iyo ng Konde Adolfong malupit? Ikaw ang salamin ng reyno ng bait, Pagbubuntuhan ka ng malaking galit. 89. �Katawan mo ama�y parang namamalas Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap, Pinipisang-pisang at iniwawalat Ng pawa ring lilo�t berdugo ng sukab 90. �Ang nagkahiwalay na laman mo�t buto, Kamay at katawang nalayo sa ulo, Ipinaghagisan niyong mga lilo At walang maawang maglibing ng tao. 91. �Sampu ng lingkod mo�t mga kaibigan, Kung kampi sa lilo�y iyo nang kaaway, Ang di nagsiayo�y natatakot naming Bangkay mo�y ibao�t mapaparusahan. 92. �Hangga�t ditto, ama�y aking naririnig Nang ang iyong ulo�y itapat sa kalis, Ang panambitan mo�t dalangin sa langit, Na ako�y maligtas sa hukbong malupit. 93. �Ninanasa mo pang ako�y matabunan Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan, Nang huwag mahulog sa panirang kamay Ng Konde Adolfong higit sa halimaw 94. �Panalangin mo�y di pa nagaganap Sa liig mo�y biglang nahulog ang tabak, Nasnaw sa bibig mong huling pangungusap Ang adiyos, bunso�t buhay mo�y lumipas! 95. �Ay amang ama ko! Kung magunamgunam Madla mong pag-irog at pagpapalayaw, Ipinapalaso ng kapighatian, Luha niring pusong sa mata�y nunukal. 96. �Walang ikalawang ama ka sa lupa, Sa anak na kandong ng pag-aaruga: Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha Sa habag mo�y agad nanalong ang luha. 97. �Ang lahat ng tuwa�y natapos sa akin Sampu niring buhay ay nagging hilahil Ama ko�y hindi na malaong hithitin Ako�t sa payapang baya�y yayakapin. 98. Sandaling tumigil itong nananangis, Binigyang panahong luha�y tumagistis Niyong naaawang Morong nakikinig Sa habag ay halos magputok ang dibdib. 99. Tinutop ang puso at saka nagsaysay, �Kailan,� aniya. �luha ko�y bubukal Ng habag kay ama at panghihinayang Para ng panaghoy ng nananambitan? 100. �Sa sintang inagaw ang itinatangis Dahilan ng aking luhang nagbabatis; Yao�y nananaghoy dahil sa pag-ibig, Sa amang namatay ng mapagtangkilik. 101. �Kung ang walang patid na ibinabaha Ng mga mata ko�y sa hinayang mula Sa mga palayaw ni ama�t aruga Malaking palad ko�t matamis na luha. 102. �Nguni�t ang nanahang maralitang tubig Sa mukha�t dibdib ko�y lagging dumidilig Kay ama nga galling datapwa�t sa bangis sa andukha at pagtatangkilik. 103. �Ang matatawag kong palayaw sa akin Ng ama ko�y itong ako�y pagliluhin Agawan ng sinta�t panasa-nasaing Lumubog sa dusa�t buhay ko�y makitil. 104. �May para akong anak sa napanganganyaya Ang layaw sa ama�y dusa�t pawing luha Hindi nakalasap kahit munting tuwa Sa masintang inang pagdaka�y nawala!� 105. Napahinto rito�t narinig na muli Ang panambitan niyong natatali Na ang wika�y��Laurang aliw niring budhi Paalam ang abang kandong ng pighati! 106. �Lumagi ka nawa sa kaligayahan Sa harap ng di mo esposong katipan At huwag mong datnin yaring kinaratnan Ng kasing nilimot at pinagliluhan. 107. �Kung nagbangis ka ma�t nagsukab sa akin Mahal ka ring lubha dini sa panimdim At kung mangyayari, hanggang sa malibing Ang mga buto ko kita�y sisintahin. 108. Di pa natatapos itong pangungusap May dalawang leong hangos nang paglakad Siya�y tinutungo�t pagsil-in ang hangad Ngunit nangatigil pagdating sa harap 109. Nangaawa mandi�t nawalan ng bangis Sa abang sisal-ing larawan ng sakit Nangakatingala�t parang nakikinig Sa di lumilikat na tinatangis-tangis.
Ang gererong moro ay walang iba kundi si Aladin na isa ring sawimpalad sa pag-ibig. Sa kanyang pagmumuni ay may narinig siyang tinig na nananaghoy. Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig at kanyang natagpuan na nakatali sa puno ang mandirigmang si Florante. Narinig ng moro ang lahat ng daing ni Florante. Nalaman niya ang ginawang pagtataksil ni Konde Adolfo at pananakop sa bayan ng Albanya. Natiyak ng morong si Aladin na magkapareho ang sinapit nilang kapalaran ng lalaking nananaghoy. Ang baying pinagmulan nito�y pinagtaksilan ng isang konde at inagaw ang kasintahan samantalang siya ay biktima ng pag-iimbot ng sariling amang umagaw ng kanyang tanging kaligayahan. Muli niyang narinig ang mga panaghoy ni Florante na sinasambit na ang pangalang Laura. Nagpapaalam na ang lalaking nananangis. Napatda si Aladin ng makitang may dalawang leon na nais sumila sa lalaking nakagapos sa malaking puno. |